Patuloy parin sa pag-sugod sa inyong mga barangay ang “Vegetables on Wheel” ng lungsod ng Iriga. Dalawang sasakyan ang umiikot sa lahat ng 36 na barangay sa lungsod na naayon sa inilabas na iskedyul ng lokal na pamahalaan.

Binili po ng lokal na pamahalaan ang lahat ng tanim na gulay at prutas ng ating mga magsasaka upang magbigay tulong sakanila ngayong maghigpit parin ang ating pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Dagdag pa dito ang layunin ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor na sapat at masustansyan pagkain parin ang naihahanda ng lahat ng Irigueños sa kanilang pamilya.

Sa pamumuno ni City Agriculturist ng lungsod na si Mr. Ruben Delos Santos ay labis ang supporta ng lahat ng Irigueños at papuri na natatanggap ng lokal na pamahalaan sa programang ito.